DOH

Guidelines para sa ikalawang booster shot inilabas ng DOH

211 Views

INILABAS na ng Department of Health (DOH) ang guidelines ng ikalawang booster shot para sa general population.

Ayon sa DOH ang mga edad 18 pataas ay maaari ng tumanggap ng ikalawang booster shot kung mahigit anim na buwan na mula noong mabakunahan ito ng unang booster dose.

Ang gagamitin umanong bakuna ay Pfizer, Moderna, at AstraZeneca.

Ang mga health care worker, edad 50-taong gulang pataas, at mga taong mayroong comorbidity ay maaari namang magpabakuna ng ikalawang booster shot kung mahigit tatlong buwan na matapos ang kanilang unang booster shot.

Ayon sa DOH wala pang ikalawang booster shot para sa mga edad 5 hanggang 17.

Batay sa datos ng DOH, mahigit 79.1 milyong Pilipino na ang fully vaccinated laban sa Covid-19 at sa bilang na ito 24.1 milyon naman ang nakatanggap na ng unang booster dose.