DOH

Bilang ng nahawa ng COVID-19 dumami—DOH

119 Views

TUMAAS ang bilang ng mga aktibong kaso n COVID-19 sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Mula Abril 17 hanggang 23, ay nakapagtala ang DOH ng 3,148 bagong kaso ng Covid-19.

Ayon sa DOH ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 450, mas mataas ng 32 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Abril 10 hanggang 16.

Sa mga bagong kaso, 14 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.

Sa kabuuan ay mayroong 4,336 aktibong kaso ng Covid-19 sa bansa. Nasa 4,018,614 naman ang gumaling na at 66,444 ang nasawi.

Mahigit 78 milyong Pilipino na ang fully vaccinated laban sa Covid-19 at 23 milyon naman ang nakapagpa-booster shot na.

Pinaalalahanan ng DPH ang publiko na huwag maging kampante sa banta ng Covid-19 at ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards.