Vianzon

Panawagan ng DOH: Wag nag-self medicate sa sore eyes

139 Views

NANAWAGAN ang Department of Health (DOH) sa publiko na huwag mag-self medicate kung nakararanas ng sintomas ng sore eyes.

Ayon kay DOH Health Environment Division Chief Dr. Rosalind Vianzon dapat ay magpasuri sa health professional upang matiyak na tama ang gamot na gagamitin.

Nagbabala si Vianzon na kung maling gamot ang mailagay sa mata ay lalong lumala ang kondisyon ng pasyente.

Hindi rin umano dapat na kuskusin o kamutin ang mata at kung kakailanganin ay maghilamos na lamang upang mabawasan ang pangangati.