Calendar

Gun ban sa Pampanga 4 na sundalo tiklo
APAT na sundalo ang naaresto noong Martes dahil sa paglabag sa gun ban sa San Simon, Pampanga.
Sinabi ni Pampanga police director P/Col. Jay Dimaandal na isang residente ng San Agustin ang nagsumbong sa kanila ukol sa isang kahina-hinalang sasakyan na nakabuntot sa kanyang sasakyan mula sa San Simon hanggang Valenzuela City sa nakalipas na limang araw.
Nakita ang sasakyan malapit sa Global Aseana Business Park 1 sa Brgy. San Isidro, San Simon.
Nang lapitan ng mga pulis at nagpakilala sa mga sakay ng sasakyan, isa sa mga suspek ang bumunot ng baril at nagtangkang tumakas.
Napilitan ang mga pulis na barilin ang gulong ng sasakyan upang maiwasan ang pagtakas ng mga suspect.
Nakaiwas ang mga suspek sa pag-aresto ngunit kalaunan naharang at nadakip sa Quezon Road sa Brgy. San Isidro.
Tinamaan sa leeg ang isa sa mga suspek at dinala sa ospital para magamot.
Nakuha mula sa mga suspek ang isang .9mm pistol na may magazine at dalawang basyo ng bala, .45 cal pistol na may magazine at pitong bala, Toyota Innova, apat na wallet, apat na two-way radio, video camera, power bank, apat na driver’s license, apat na AFP ID; dalawang Glock 17 magazine na may dalawang bala at tatlong cal .45 magazine na may 22 rounds ng bala.
Pinuri ni Police Regional Office (PRO)-3 director P/Brig. Gen Jean Fajardo ang mabilis na aksyon ng San Simon police.