Collab ng BPPO, 7SAB pinalakas
Jul 10, 2026
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Calendar
Provincial
Patay, may tama ng bala natagpuan sa tricycle
Bernard Galang
May 5, 2025
475
Views
PATAY na at may tama ng mga bala sa tricycle sa Purok 5, Brgy. Gabihan, San Ildefonso, Bulacan ng matagpuan ang isang magsasaka.
Sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Jean Fajardo, kinilala ang biktima na si Lolito Varela.
Ayon kay chairman Ferdinand Reyes, ipinaalam niya ang pamamaril sa kanilang lugar kaya nagpadala ng police team sa lugar.
Pagdating sa lugar ng mga pulis, natagpuan ang biktima na patay na sa loob ng kanyang tricycle.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na pauwi na ang biktima at pagdating sa provincial road biglang sumulpot ang hindi pa nakikilalang suspek na bumaril sa biktima ng maraming beses bago tumakas.
Collab ng BPPO, 7SAB pinalakas
Jul 10, 2026
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Landslide sa Sarangani, 10 nasawi
Jul 10, 2026

