jerico

Hakot crowd ni Leni Robredo, buking

Jerico Javier Mar 12, 2022
275 Views

SIKAT na sikat ngayon sa lahat ng social media platform ang malawakang paghahakot ng mga taga-suporta ng kampo ni Leni Robredo sa kanyang mga campaign rally sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Isang halimbawa ang usapan ng account na Lawyers For Leni sa isang nagngangalang Donna na sinasabing isa sa bayarang organizer sa Bulacan rally.

Ayon sa kanilang usapan:

“Ma’am follow up ko lang po yung additional payment sa mga sumama sa Bulacan rally 3,467 pax na hindi pa po nabayaran. Thank you.”

Hello Donna, we need list of names who attended the rally, before we can release the payment. Also next time don’t recruit seniors it’s too risky ang dami nahimatay na matanda.

We need to recruit more to gain momentum. Please coordinate with Mona and Karlo for the payment.

Also remind the coordinators from Batangas and Cavite to stop bringing Philippine flag. Pink placards and balloons lang.

“Copy po ma”am. Tinatanggal naman………”

Nabatid din na maraming Bulakenyo ang nagbabanta na ikakanta ang pangalan ng lahat ng kumausap sa kanila sakaling hindi pa maibigay agad ang bayad sa kanilang ‘serbisyo.’

“Ang mga walanghiyang iyon kahit hindi naman kami Leni sumama kami kasi P500 din iyon. Aba mag-iisang linggo na wala pa. Tingnan natin kapag hindi pa nila binigay agad dahil iisa-isahin namin silang papayagan. Hirap kaya magpabilad sa araw!” Banta ng isang netizen.

Mukang tumutugma ito sa mga ibinunyag kamakailan ni Cavite Rep. Boying Remulla na ang nangyaring campaign rally ni Robredo sa General Trias, Cavite ay nagkaroon ng bayaran.

Ibinunyag pa ng mambabatas na nasa P500 kada isa ang bayad umano sa mga Caviteno para dumalo sa campaign sortie ni Robredo.

Mukang desperado na talaga. Sabagay hindi mo naman masisisi kasi hanggang ngayon kulelat sa mga survey.