Calendar
Hamon na maglingkod sa ilalim ng BBM gov’t tinanggap nina Balisacan, Remulla Ople, Laguesma
TINANGGAP nina Arsenio Balisacan, Toots Ople, Crispin Remulla, at Benny Laguesma ang hamon na maglingkod sa bayan sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bongbnog” Marcos Jr.
Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, chief of staff at magsisilbing Executive Secretary ni Marcos, si Balisacan ang mamumuno sa National Economic Development Authority (NEDA).
Dati ng pinamunuan ni Balisacan ang NEDA noong panahon ni Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III.
Kinumpirma naman ni Cavite Rep. Remulla na tinanggap nito ang alok ni Marcos na maging kalihim ng Department of Justice.
Si Ople naman ang mamumuno sa Department of Migrant Workers, isang bagong departamento na mangangasiwa sa mga overseas Filipino workers (OFW).
Si Laguesma ang siyang magiging kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE) na dati na rin nitong hinawakan.
Nauna rito ay inanunsyo ng kampo ni Marcos na si presumptive vice president Sara Duterte ang magiging kalihim ng Department of Education samantalang si dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Benhur Abalos ang mamumuno sa Department of the Interior and Local Government.