Calendar
Handa ang mayorya sa June 17 special session
SINABI ni Senador Juan Miguel “Migz” Zubiri na handa ang mayorya ng Senado na dumalo sa special session sa June 17 at talakayin ang mga usaping kasama sa agenda, kabilang ang health care, pondo para sa edukasyon, tulong sa mga Pilipinong nasa krisis, at mga nakabinbing appointment sa Commission on Appointments.
Ayon kay Zubiri, tinatanggap ng mayorya ang panawagan para sa special session at handa silang bumalik sa trabaho.
“We in the majority welcome the call for a special session on June 17, and we are ready to do our mandate, work hard and help the Senate act on urgent matters before us,” sabi ni Zubiri.
Sinabi niya na kabilang sa agenda ang mga usaping may kinalaman sa serbisyong publiko at tulong sa mga pamilyang nangangailangan.
“The agenda is clear and urgent, touching on health care, education funding and assistance for Filipinos in crisis, matters that can bring real help to Filipino families who need government to act with urgency and compassion,” dagdag niya.
Binanggit din ni Zubiri na may nakabinbing trabaho ang Commission on Appointments sa mga appointment sa gabinete, militar at foreign service.
Sinabi niya na dapat gampanan ng mga senador ang kanilang tungkulin sa kabila ng tensiyong pampulitika sa Senado.
“Papasok tayo, magtatrabaho tayo and we will do our duty for the people,” ani Zubiri.
Idinagdag niya na dapat aksyunan ng Senado ang mga nakabinbing usapin sa special session.
“Walang drama, walang delay, walang dahilan para hindi magtrabaho. We should be ready to work and ready to help move forward whatever must be acted upon for the public good,” sabi ni Zubiri.

