HD spikers Mabunyi man ang Creamline, kinapos sila sa hangarin na makamit ang Grand Slam sa PVL. PVL photo

HD Spikers, Angels pasok sa Finals

282 Views

KINAPOS ang PetroGazz na makuha ang straight-set victory na nagbigay sa kanila sana agad ng championship berth, kung saan nagkasya lang sila sa four-set romp, a 25-14, 25-21, 25-27, 25-19 kontra sa Cignal sa pagwawakas ng Premier Volleyball League Reinforced Conference semifinals kahapon sa Philsports Arena.

Angat sa 24-21, nakarating ang Angels sa match point, kung saan kinailangan lamang na makumpleto ang rally upang masukbit ang tiket sa Finals, subalit kinailangan ng HD Spikers na humirit sa pamamagitan nina Tai Bierra at Ria Meneses upang mapalawig ang laban.

Sa pagkuha ng isang set sa huli nilang semis match, nakamit ng Cignal ang PVL championship appearance sa kakaibang paraan – kung saan nagselebra ang mga manlalaro sa sidelines matapos maitakas ang third set.

Naghintay ang PetroGazz sa resulta ng Creamline-Chery Tiggo match.

Pinalad pa rin ang Angels na makuha ang nalalabing Finals berth, pagkat bagama’t nanalo ang Cool Smashers sa Crossovers, 25-16, 20-25, 14-25, 25-11, 15-9, nasibak ang Creamline dahil sa nadala ang laro sa limang sets.

Sa three-way tie sa 2-1, may mataas na points quotient ang HD Spikers at Angels, na may tig-anim na puntos, kumpara sa Cool Smashers na may lima.

Magsisimula ang best-of-three series sa pagitan ng Cignal at PetroGazz sa alas-5:30 ng hapon bukas sa Smart Araneta Coliseum, matapos magtagpo ang Creamline at Chery Tiggo para sa opener ng third place series sa alas-2:30 ng hapon.

Ang pagkatalo ng Cool Smashers ay siyang nagwakas ng hangarin nilang makumpleto ang Grand Slam.