Heart2 Heart Evangelista

Heart at supermodel Bella Hadid nagkatinginan, nagkangitian

Eugene Asis Mar 1, 2024
68 Views
Bella Hadid
Bella Hadid

 

SA unang episode ng GCash’s Spotlight series, naikuwento ng actress, singer, painter at global fashion icon na si Heart Evangelista ang kanyang maikli pero memorable na encounter sa supermodel na si Bella Hadid.

Hindi naman daw sila nagkausap pero ang maikling pagkikita nila ay matagal niyang nanamnamin. Naganap ito sa Milan Fashion Week. At dahil dito, hindi na niya makalimutan si Bella.

“You know who’s the sweetest? Bella Hadid,” sabi ni Heart “She’s really, really sweet. I love it, She’s so pretty.”

Aniya, nagkapalitan lang sila ng ngiti at sulyap.

“Nag-out of character siya. When it was the curtain call, all the models were walking past and they had their game face on,” kuwento niya..

“As I looked at her, I think I had a smile on, napatingin siya sa ‘kin, nag-smile siya, and I was like ‘ay, mabait siya.'”

Ang 27-taong-gulang na si Bella ay anak ng sikat ding fashion model na si Yolanda Hadid na may-ari ng isang malaking modelling agency. Noong 2022, si Bella ay pinangalanang Model of the Year ng British Fashion Council. Ang Time magazine naman ay isinama siya sa listahan ng 100 most influential people in the world noong isang taon, 2023. Mayroon din siyang sariling brand ng beauty products, ang Orebella, na basically ay isang fragrance brand. Sikat at kontrobersyal si Bella sa mundo ng fashion.