Helm

Helm resto nagkamit ng makasaysayang tagumpay, kauna-unahang PH restawran na nabigyan ng 2 MIchelin star

334 Views

IPINAGDIRIWANG ng Department of Tourism (DOT) ang isang makasaysayang tagumpay para sa culinary tourism ng bansa, matapos maging unang restawran sa Pilipinas ang Helm ni Chef Josh Boutwood na ginawaran ng dalawang MICHELIN Stars sa MICHELIN Guide Manila and Environs | Cebu 2026 awards ceremony na ginanap noong sa Oktubre 30 sa Manila Marriott Oktubre Hotel.

Pinamumunuan ni Chef Boutwood ang kilalang fine-dining restaurant sa Ayala Triangle, Lungsod ng Makati. Sa pamamagitan ng kanyang sining at disiplina, binago niya ang pananaw sa lutuing

Pilipino sa pamamagitan ng mga intimate tasting menus na itinatampok ang mga lokal na sangkap gamit ang mga teknik na pandaigdig. Ang walong-putaheng menu ng Helm—na patuloy na nagbabago ayon sa panahon, alaala, at mga kuwento—ay sumasalamin sa Filipino-British na pinagmulan ni Chef Boutwood at sa kanyang malalim na paggalang sa sining ng pagluluto.

Inilarawan ng MICHELIN Guide ang Helm bilang “isang modernong restawran na pinagsasama ang pagkamalikhain at katumpakan,” at pinuri ito sa masalimuot na lasa, detalyadong presentasyon, at open-kitchen experience na nag-uugnay sa mga bisita sa proseso ng paglikha.

Ang dalawang bituin sa sistemang MICHELIN Guide ay nangangahulugang “natatanging pagluluto, na karapat-dapat dayuhin,” isang pagkilalang ibinibigay lamang sa mga pinakamahuhusay na karanasang pangkain sa buong mundo.