Calendar
Helper natagpuang nakabigti
PATAY na at natagpuang nakabigti gamit ang sintas ng sapatos sa Tondo, Manila noong Sabado ang 22-anyos na helper.
Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-8:00 ng umaga nadiskubre ang nakabiting bangkay ni alyas Norman sa loob ng kanyang bahay sa San Damian St. corner Kagitingan St., Tondo, Manila.
Sa pahayag ng nakadiskubre sa biktima na si alyas Alfredo, 49, kasama niya ang biktima nang mamili ng mga paninda para sa tapsilog business.
Nakabalik sila pasado alas 5:00 ng umaga at noo’y nagpaalam ang biktima na iidlip sandali at iinom muna ng alak pampaantok.
Alas-10:40 ng umaga nang puntahan ni Alfredo sa bahay ang biktima at noon niya nasaksihang nakabigti na ito gamit ang sintas ng sapatos na itinali sa double deck bed.