Calendar
Hepeng pulis: Mga kriminal walang lugar sa Limay
LIMAY, Bataan–Nagbabala ang hepe ng pulis ng bayang ito sa mga criminal elements na wala silang puwang sa Limay.
Ang warning ni Captain Ernesto Clemente kasunod ng pagdagdag ng pwersa ng kapulisan dito upang maa mapanatiling tahimik ang Limay.
“May mga nadagdag kasi na personnel ang Limay police, isang official at non-commissioned officers, sa suporta ng Provincial Director ng Bataan PCol. Palmer Tria,” ani Clemente.
Paiigtingin ng mga pulis ang “anti criminality at anti-illegal drugs operations, preventive measures at iba pang mga pamamaraan upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan ng bayan ng Limay na may suporta ng Lokal na pamahalaan ng bayan ng Limay sa pangunguna ni Mayor Richie Jayson David.
Nagiging alerto pa rin ang kapulisan dito upang mapanatili ang peace and order dahil nandidito sa industrial town ng Limay ang mga multi billion peso investments.