PAGASA

Hilagang Luzon tumbok ng bagyong Paeng

151 Views

HINDI pa man tuluyang nakakabangon mula sa hagupit ng mga nakalipas na bagyo, ang hilagang Luzon ang inaasaang tutumbukin ng bagyong Paeng.

Sa pagtataya ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) aakyat sa typhoon category ang bagyo habang papalapit ito sa kalupaan.

Kung hindi magbabago ng direksyon at bilis tutumbukin nito ang silangang bahagi ng Cagayan o Isabela sa araw ng Linggo.

“Per latest track and intensity forecast, the most likely highest wind signal that will be hoisted is Wind Signal No. 4,” ayon sa advisory ng PAGASA.

Sa Biyernes ng umaga hanggang Sabado ay magdadala na umano ang bagyo ng malalakas na pag-ulan sa Luzon.

Pag-iibayuhin din umano ng bagyo ang Shear Line na magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.