BBM5

Hiling ni PBBM sa kaarawan: Lahat ng programa ng gobyerno maramdaman ng mga magsasaka

Chona Yu Sep 13, 2024
15 Views

SIMPLE ang naging wish ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang ika-67 kaarawan.

Sa ambush interview sa Nueva Ecija, sinabi ni Pangulong Marcos na ito ay maramdaman pa ng maraming mga magsasaka ang lahat ng programa na ginagawa ng pamahalaan.

Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag sa launching ng Agri Puhunan at Pantawid Program sa Nueva Ecija.

“Birthday wish, marami, ito na, talagang lahat ng bawat magsasaka sa Pilipinas maramdaman itong programa ito at lahat ng programa na ginagawa ng DA,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ayon kay Pangulong Marcos ang kanilang ginagawa ay sa tulong na rin ng Development Bank of the Philippines (DBP), lahat ng financing institution, at buong sistema ng Department of Agriculture (DA ),

Para na rin aniya mapaganda ang sektor ng agrikultura at at para mapaganda ang buhay ng bawat magsasaka , kanilang mga pamilya at bawat filipino.

Samantala, binati rin ni First Lady Liza Marcos ang Pangulo sa kanyang kaarawan kasama ang kanyang mga anak na sina Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, Joseph Simon at William Vincent.

“Happy 67th birthday to the sweetest and kindest soul I’ve ever known. I’m so proud of everything you’ve accomplished, and through it all, you’ve remained the same tender-hearted, compassionate person who first captured my heart,” ayon pa sa social media post ng Unang Ginang.