Valeriano3

Hindi ang mga reclamation projects ang naging sanhi ng mga pagbaha — Valeriano

Mar Rodriguez Aug 2, 2024
98 Views

HINDI umano naniniwala si ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐Ÿฎ๐—ป๐—ฑ ๐——๐—ถ๐˜€๐˜. ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด. ๐—ฅ๐—ผ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ผ “๐—–๐—ฅ๐—ฉ” ๐— . ๐—ฉ๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ถ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ผ๐˜‚๐˜€๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜๐˜๐—ฒ๐—ฒ ๐—ผ๐—ป ๐— ๐—ฒ๐˜๐—ฟ๐—ผ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐——๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ผ๐—ฝ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด “๐—ฟ๐—ฒ๐—ฐ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ท๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐˜€” ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ต๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฒ๐˜๐—ฟ๐—ผ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ฎ.

Ipinaliwanag ni Valeriano na bago pa man nagkaroon ng reclamation projects ang gobyerno partikular na sa Manila Bay ay mayroon na talagang matinding pagbaha hindi lamang sa Maynila kundi sa iba pang lugar sa National Capitol Region (NCR) lalo na sa mga lugar na malapit sa ilog o estero.

Ayon kay Valeriano, hindi pa naman talaga napapatunayan at walang pang isinagawang pag-aaral na magsasabing ang mga reclamation projects ang pinag-uugatan o kaya’y pinagmumulan ng mga pagbaha sa iba’t-ibang lugar sa Kalakhang Maynila.

“Kasi wala pa namang reclamation projects ang gobyerno lalo na sa Manila Bay, mayroon ng mga pagbaha sa Metro Manila. Kaya hindi natin masasabi na ito ang ugat ng mga pagbaha,” paliwanag ni Valeriano.

Ipinabatid ni Valeriano na ang reklamo ng ilang mamamayan patungkol sa talamak na “quarrying” ang isa sa mga issues na bubusiin ng kaniyang Komite sa pagsisimula ng imbestigasyon nito kaugnay sa naging pagbaha sa ilang lugar sa Metro Manila noong kasagsagan ng bagyong Carina.

“Ang issue ng quarrying ang isa sa mga iimbestigahan namin sa aming imbestigasyon. Hindi lang iyan kundi ang lahat na ng issues para ugatin natin kung ano ang naging problema noong sinasalanta tayo ng bagyong Carina,” sabi pa ni Valeriano.