BBM

Hindi n’yo puwedeng dayain ang optic ng motorcade

302 Views

Marlon PurificacionSABI ko na, mabubuko’t mabubuko rin ang ginagawang hakot crowd ng kampo ni Leni Robredo.

Kung hindi ba naman, ang akala yata ng pinklawan ay bobo ang mamamayang Pilipino.

Kaya ayan tuloy kabi-kabilang pagbubunyag na ang lumalabas tungkol sa pandaraya ng kampo ni Robredo.

Una ang ‘bloated numbers’ ng kanilang rally sa Cavite, Bulacan at kung saan-saan pa!

Sa Cavite pa lang, naunang ibinunyag ni Cavite Rep. Boying Remulla ang hakot crowds ng pinkalawan sa kanilang rally sa General Trias, Cavite.

Ang sumunod na eksena, mismong si Partido Reporma presidential candidate Senator Ping Lacson ang may sabi na maraming komunista ang nagpuntahan sa rally ni Robredo.

Siyento porsiyentong sigurado si Lacson sa sinabi niyang ito dahil bilang isang magaling na alagad ng batas – pinakamahusay na PNP chief sa kasaysayan pambansang pulisya — matino rin ang mga nakukuha niyang intelligence report.

Ilang raw matapos nito, si Pangulong Duterte na ang nagkumpirma ng report na LeniNPA alliance.

Sabi pa ng Pangulong Duterte, may plano silang maghasik ng lagim.

Kaya nga kahit si UniTeam senatorial bet Atty. Larry Gadon ang nagsabing hindi malayong maulit ang Plaza Miranda bombing na naganap noong August 21, 1971.

Mga teroristang komunista ang nagpasabog nito at ibinintang kay Marcos.

Sa kabilang dako, ilang mga photo shop editors na rin ang naglabasan para patunayan na dinadagagan lamang ang bilang ng mga nagsisidatingan sa rally ni Robredo.

Mga bayarang hakot na nga, minamagic pa ang mga ritratong ipinalalabas sa mga biased mainstream media at social media.

Ang testimonya ng mga photo editor ay hindi nila puwedeng pasubalian.

Lalong hindi nila kayang dayain ang mga naglalabasang motorcade na ginagawa ng kampo ni presidential frontrunner Bongbong Marcos.

Kung talagang ‘legit’ ang kanilang numero, bakit wala silang maipakitang mga pictures na dinudumog sila sa caravan?

Bakit puro sa rally lang?

Alam n’yo ba bakit?

Kasi ang mga taong naglalabasan sa kanilang bahay para lamang salubungin ang motorcade ni BBM ay legit at organic, samantalang ang rally ni Robredo nag-aantay na lang sa rally site kasi nga mga hakot at bayaran sila!

Hindi na ako lalayo ng example ha?

Panoorin natin ang nangyaring BBM caravan sa Caloocan City? Hindi ba buong kalsada dagsa ng tao hanggang sa rally site mismo?

Kahit isa wala sina Leni na ganitong senaryo kasi sa totong buhay, nilalangaw ang kanilang mga motorcade.