Martin

Hindi sinolo ang kredito: Speaker Romualdez kinilala ambag ng mga miyembro, empleyado sa record-breaking performance ng Kamara

96 Views

KINILALA ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang malaking ambag ng mga miyembro at empleyado sa record-breaking accomplishment ng Kamara de Representantes sa unang regular session ng 19th Congress.

Sa kaniyang talumpati bago ang sine die adjournment, pinasalamatan ni Speaker Romualdez ang pakikiisa ng mga kapwa nito mambabatas upang maabot ang inaasam na pag-unlad ng bawat Pilipino.

“Each and every member of this august body truly deserves commendation for a job well done. Congratulations to all of us! When I assumed the post as your Speaker, I invited each one of you to support and join me in fulfilling the aspirations of the Filipino people. For readily heeding this call, I express my sincerest gratitude to everyone. Maraming salamat sa inyong lahat sa sipag na ipinakita ninyo at sa malasakit sa ating mamamayan,” ani Speaker Romualdez.

Ayon kay Romualdez, walang magagawa ang Mababang Kapulungan ng Kongreso kung wala ang kooperasyon ng mga Deputy Speakers, ni Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe at kanyang mga deputy at assistant majority leader, mga chairperson ng komite, secretariat at iba pang bumubuo sa Kamara.

“Sa pagbusisi ninyo sa bawat panukalang batas na ipinapasa natin, nakikita ng lahat na buhay ang demokrasya sa Kongreso… Sa lahat ng empleyado ng House of Representatives, hindi namin magagawa ang lahat ng ito kung hindi dahil sa tulong at mga sakripisyo ninyo. Maraming salamat po,” saad pa ng House leader.

Hindi umano maitatanggi na napansin ng publiko ang pagkakaisa at magandang ginagawa ng Kamara at patunay dito ang magandang rating na nakuha ng Kamara sa survey.

Sa survey noong Disyembre 2022 ay nakapagtala ang Kamara ng +56 net satisfaction rating sa Social Weather Station survey.

“The unity that we have shown in the performance of duty, and our relentless action in keeping the legislative mill grinding to full efficiency, are now reaping fruits for our beloved institution. Public opinion on the performance rating of the House of Representatives is fast reaching an all-time high. Kinikilala ng ating mga kababayan ang pagkakaisa nating ipinapakita. Naniniwala sila na malaking bahagi ito kaya nagagampanan natin ang ating tungkulin,” dagdag ng Leyte 1st district representative.

Maliban sa pagtutok sa mga panukala, umaksyon din ang House of Representatives at ginamit ang oversight power nito upang mabusisi ang mga malalaking isyu na nakakaapekto sa mga Pilipino gaya ng labis na pagtaas ng presyo ng sibuyas.

Ang pagsusumikap aniya ng House Committee on Agriculture and Food ay nagresulta sa tuluyang pag-buwag sa pinakamalaking kartel ng sibuyas sa bansa.

“We are also equally determined to recommend the prosecution of cartels and their cohorts, including all other profiteers, who continue to manipulate the supply and price of onion in the country. Dahil sa sipag ng ating committee on agriculture, nabuwag natin ang pinakamalaking kartel sa sibuyas at naibalik natin sa dating presyo ang bilihin nito,” sabi pa ni Romualdez

Ipinaabot rin ng House leader ang pasasalamat nito sa suporta ng mga political party sa pagsusulong ng priority bills ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. at ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

Sa 42 prayoridad na maipas ang LEDAC, natapos na ng Kamara ang 33 sa mga ito.

Kamakailan lamang ay pinagtibay ng iba’t ibang partido sa Kongreso ang alyansa nito sa Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) na pinamumunuan ni Speaker Romualdez para itulak at suportahan ang pro-people legislative agenda ng Marcos Jr. administration.

Kabilang dito ang Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), National Unity Party (NUP), Nacionalista Party (NP), Nationalist People’s Coalition (NPC), Party-list Coalition Foundation Inc. (PCFI), Partido Navoteño, at Centrist Democratic Party of the Philippines (CDP).

“I must also emphasize the importance of unity and cooperation among all our political parties. Pursuant to our shared vision of a strong republic, leaders of major political parties in this august halls have expressed their unwavering commitment to work together for the passage of the pro-people legislative agenda of President Marcos,” diin ng House Speaker

Bukod sa paggawa ng batas, sinabi ni Romualdez na naging aktibo rin ang mga miyembro ng Kamara sa pagtulong kay Pangulong Marcos sa paghikayat sa mga dayuhang mamumuhunan na magnegosyo sa bansa upang dumami ang mapapasukang trabaho ng mga Pilipino at magtuloy-tuloy ang paglago ng ekonomiya.

“We also engaged, along with several House members, key congressional leaders of the United States of America to lay the groundwork for the official visit of his excellency, President Ferdinand Romualdez Marcos Jr… This initiative also helped generate billions of dollars in investment pledges which are expected to create thousands of jobs for our fellow kababayans,” dagdag pa ng lider ng Kamara.