kathryn and daniel

Hiwalayang KathNeil mag iisang taong anniversary na

Aster A Amoyo Nov 23, 2024
63 Views

SA darating na November 30,2024 ay one-year anniversary na ng formal break-up ng dating magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, isang hiwalayan na gumulantang hindi lamang sa loob ng showbiz kundi sa buong Pilipinas maging sa ating mga kababayan na nasa ibang bansa. Eleven years nga naman ang binuno ng love affair ng kinunsider noon (before the break-up) na hottest loveteam. Katunayan, sila lamang ang nag-iisang loveteam at magkasintahan na nag-last nang ganoong katagal. They were well-loved and adulated by their fans. Pero tulad ng classic hit song na pinasikat ni Barbra Streisand, ang “Some Good Things Never Last,” nagkatotoo ito sa pag-iibigan sa nina Kathryn at Daniel na inakala pa noon na mauuwi sa altar ang relasyon.

It seems na pareho nang nakapag-move on ang dalawa. Masayang-masaya ngayon si Kathryn sa takbo ng kanyang buhay at career. While she’s enjoying her immense popularity without banking on her previous loveteam with Daniel, mukhang may bagong namumuong magandang relasyon sa kanilang pagitan ng kanyang “Hello, Love, Again” leading man na si Alden Richards. Ang kanilang reunion movie ni Alden ay patuloy na gumagawa ng record sa takilya hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang bansa.

Although naging magkaibigan na sila ni Alden nung una nilang gawin ang first movie nila together in 2019, ang “Hello, Love, Goodbye,” hanggang sa pagiging magkaibigan lamang ang relasyon noon ng dalawa dahil very much on pa rin noon si Kathryn kay Daniel. Pero iba na ang sitwasyon ngayon, halos isang linggo na lamang ay isang taon nang hiwalay ang dalawa. Mukhang destiny naman ang muling pagtatambal sa pelikula nina Kathryn at Alden na never ding inasahan ng dalawa na muling magyayari. Ito naman ang naging daan para mas makilala pa lalo ng dalawa ang isa’t isa lalupa’t pareho silang un-attached. While they’re both exploring the possibility na maging sila (hindi pa ba?), maingat din ngayon si Kathryn sa kanyang bagong relasyon (if ever) dahil kagagaling pa lamang niya sa isang failed relationship with her first boyfriend na tumagal ng maraming taon. But she’s not closing the possibility of loving again at mukhang unti-unti na namang nabubuksan ang kanyang puso sa pagdating ni Alden.

DJ may non-showbiz gf na

SAMANTALA, kahit tahimik lamang si Daniel Padilla after his celebrated break-up with Kathryn nung isang taon, mukhang nakapag-move on na rin ito. Mukhang may natagpuan na rin ito na makakapalit kay Kathryn sa kanyang puso na isang non-showbiz girl.

Wala pa ring makapagkumirma ng pangalan at backround ng bagong girl na nauugnay ngayon sa panganay na anak ng singer, actress, host-turned politician na si Karla Estrada. Pero may nakakakita na sa kanilang magkasama sa iba’t ibang okasyon. But in time ay personal din itong aaminin ni Daniel sa kanyang mga tagahanga at sa publiko.

Malapit na ring mapanood sa telebisyon si Daniel kasama si Richard Gutierrez sa isang action-drama series na pinamagatang “Incognito”. Ito bale ang first TV series ng singer-actor after his much-talked about break-up with Kathryn nung isang taon. May bagong movie rin si Daniel with his close friend na si Zanjoe Marudo, ang “Nang Mapagod si Kamatayan” na pinamahalaan ni Dan Villegas under ABS-CBN Studios and Quantum Films.

Kung gaano kaingay ang takbo ng karera ni Kathryn ay low-key lamang si Daniel pero marami rin umano itong pinagkakabalahan ngayon .

For now ay malabo pang maisakatuparan ang reunion project ng dating magkasintahan na naisantabi nang makahiwalay ang dalawa.

Kuya Kim enjoy sa pagiging broadcast journalist

MUKHANG wala talagang hilig si Kuya Kim Atienza sa politics dahil mas nagi-enjoy ito ngayon sa kanyang pagiging broadcast journalist sa bakuran ng GMA (although una siyang nakilala sa ABS-CBN).

Known as Kuya Kim sa kanyang supporters at sa mga taong nakakakilala sa kanya, siya’y may dalawang regular show sa Kapuso Network, ang pagiging segment host ng news program na “24 Oras,” ang “Alam Mo Ba,” at isa sa mga hosts ng game program na “TicToClock,” malapit na rin siyang mapanood sa isang infotainment show ng GMA, ang “Dami Mong Alam, Kuya Kim” kung saan puwedeng mag-participate ang kanyang mga televiewers sa pamamagitan ng kanilang pagpapadala ng mga tanong sa kanya na kanya namang isa-isang sasagutin.

Si Kuya Kim ay nagtapos ng Film and Audiovisual Communication sa University of the Philippines but took his freshman year sa University of Santo Tomas where he started taking-up Education. Pero pagkalipas ng isang taon ay lumipat siya sa University of the Philippine saan siya nag-switch sa ibang kurso.

Si Kuya Kim ay panganay ng anak ng dating mayor ng Maynila at partylist respresentative na si Lito Atienza at nakababata niyang kapatid si Ali Atienza. He is married to Felicia Hung, president and founding member ng Chinese International School Manila (CISM). Ang mag-asawa ay may tatlong anak – sina Jose III, Eliana at Emman.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.