House Committee

House Committee on Dangerous Drugs pinapurihan PDEA. NBI, PNP, BOC

Mar Rodriguez Oct 23, 2023
162 Views

House Committee House Committee House Committee House Committee House Committee House CommitteeDahil sa matagumpay na kampanya laban sa illegal na droga 

PINAPURIHAN ng House Committee on Dangerous Drugs ang mga tauhan at opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP) at Bureau of Customs (BOC) dahil sa naging tagumpay ng kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga.

Ikinagalak ng Chairman ng Committee on Dangerous Drugs na si Surigao del Norte 2nd Dist. Cong. Robert Ace S. Barbers ang mga law enforcement officers at personnel ng tatlong nasabing ahensiya dahil sa pagkaka-aresto sa mga suspek at pagkaka-samsam naman sa apat na tonelda ng illegal na droga.

Binigyang diin ni Barbers na ang natamong tagumpay ng PDEA, NBI, PNP at BOC ay bunsod narin ng maigting at masidhing kampanya ng administrasyon ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. laban sa paglaganap ng ipinagbabawal na gamot sa bansa na sumisira sa kinabukasan ng mga kabataan.

Inihayag din ni Barbers na sinimulan narin ang pagsira at pagsusunog sa mga nakumpiskang tone-toneladang illegal na droga na pinangunahan mimso ng PDEA sa Trece Martires City, Cavite na nagkakahalaga ng bilyon-piso ksama si House Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales.

Muling pinaalalahanan ni Barbers ang mga law enforcement agencies na maging maingat sa kanilang kampanya laban sa illegal drugs sa pamamagitan ng pagsisiguro na ang isinasampa nilang mga kaso laban sa mga drug traffickers ay hindi maiuuwi lamang sa dismissal ng mga kaso.

Kasabay nito, ipinahayag naman ng Chairman ng House Committee on Tourism na si Romblon Lone Dist. Cong. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona na kailangan mas maging puspusan pa ang kampanya ng gobyerno laban sa illegal drugs sapagkat malaking epekto ang idinudulot nito sa turismo ng bansa.

Binigyang diin ni Madrona na hindi dapat hayaan ng mga law enforcement agencies na tawaging “drug capital” ang Pilipinas dahil sa paglaganap ng illegal na droga sa bansa. Kung kaya’t kailangan mas maging masigasig ang pagtugis nila laban sa mga drug traffickers at sindikatong nagpapakalat nito.