Duke Frasco

Rep. Frasco ipinakita suporta para sa mga BSK

Mar Rodriguez Oct 23, 2023
113 Views

Duke Frasco Duke Frasco Duke FrascoSa ipinatayong 2 storey Barangay Hall sa Liloan 

IPINAKITA ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco ang kaniyang suporta para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) sa pamamagitan ng pagpapatayo ng moderno at magarang dalawang palapag na Barangay Hall sa Barangay Tabla sa Munisipalidad ng Liloan.

Sinabi ni Frasco na magpapatuloy ang kaniyang taos puso at marubdob na suporta para sa BSK sa gitna ng kasalukuyang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa iba’t-ibang panig ng bansa. Kung saan, ipinahayag nito na may eleksiyon o man o wala ay tuloy-tuloy ang kaniyang programa at mga proyekto para sa ikauunlad ng mga Barangay sa bayan ng Liloan.

Pinasalamatan naman ni Mayor Aljew Frasco ang House Deputy Speaker sa kaniyang talumpati matapos nitong ipahayag nan aka-ugalian na aniya ng kongresista na maging bukas palad para sa mga taong nangangailangan ng tulong nito at pagsasa-alang-alang sa kapakanan ng mga mamamayan.

Sinabi pa ng Alkalde na napakalaki ng kaniyang pagpapasalamat kay House Deputy Speaker Frasco dahil sa napakaraming proyekto nito sa pamamagitan ng sunod-sunod na infrastructure projects na magbibigay ng napakalaking benepisyo para sa mga residente ng Barangay Tabla.

“We thank Congressman Duke Frasco for always lending out a helping hand to the town’s numerous programs and projects. This project is very beneficial to the constituents of Tabla as the Barangay Hall is a symbol of the Local Government’s Commitment to deliver basic services to the people,” sabi ng Mayor.