Alvarez

House Committee on Dangerous Drugs sinimulan na ang pagdinig kaugnay sa Medical Marijuana

Mar Rodriguez Feb 21, 2023
301 Views

INUMPISAHAN na ngayong Martes ng House ng Committee on Dangerous Drugs ang pagdinig nito kaugnay sa panukalang batas na isinulong ni Davao del Norte 1st Dist. Congressman Pantaleon D. Alvarez na naglalayong gawing legal ang “cannabis” na tinaguriang “medical marijuana”.

Layunin ng panukalang batas ni Alvarez, dating House Speaker, na tanggalin ula sa listahan ng illegal drugs at substance ang cannabis o marijuana. Kung saan, ang pagkakaalis nito sa nasabing listahan ang magbibigay daan upang maging legal ang paggamit nito para sa “medicinal use”.

Gayunman, nilinaw ng Chairman ng Dangerous Drugs Committee na si Surigao del Norte 2nd Dist. Congressman Robert Ace S. Barbers na ang pagsasa-legal ng cannabis o marijuana ay para lamang sa “medicinal use” nito at hinding-hindi pahihintulutan na magamit ito para sa isang “recreational use”.

“It is about time that we look at the positive side of the substance. If there is a good side to it. Then by all means we should consider it, look at the substance amphetamine. A major component of shabu, it is critical component or ingredient of many medicines now beong consumed worldwide,” paliwanag ni Barbers.

Binigyang diin ni Barbers na maraming ng bansa ang gumagamit ng marijuana para sa tinatawag na “medical purposes”. Samantalang ang ibang bansa din ay pinayagan na ang paggamit ng marijuana para sa isang “recreational purposes”. Subalit iginiit nito na hinding-hindi ito makakalusot sa Pilipinas.

“Recently, more and more countries are easing regulations on the said drug for medical purposes. Other countries have already allowed its recreational use. For our purpose, we will limit it for medical purposes,” ayon kay Barbers.