DOH

Senior citizen unang kaso ng COVID-19 Omicron subvariant XBF

156 Views

ISANG senior citizen na walang rekord ng pag-alis sa Pilipinas ang unang kaso ng COVID-19 Omicron subvariant XBF sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon sa DOH gumaling na ang naturang pasyente.

“The first case detected here in the Philippines is from a Filipino senior citizen with no known history of travel, the individual presented mild symptoms, and has already been tagged as recovered,” sabi ng DOH sa isang pahayag.

Sinabi ng DOH na ang XBF ang itinuturing dahilan ng muling pagdami ng kaso sa Australia at Sweden.

Nanawagan ang DOH sa publiko na ituloy ang pagsunod sa minimum health protocols at magpabakuna.