House Committee on Tourism pinapurihan ang mahusay na diskrate ni Tourism Sec. Frasco para isulong ang turismo ng Pilipinas

Mar Rodriguez May 30, 2023
143 Views

PINAPURIHAN ng House Committee on Tourism ang napaka-husay na “diskarte” ni Tourism Secretary Maria Christina Garcia Frasco kaugnay sa pagpapatakbo nito sa naturang ahensiya. Matapos ihayag ng kalihim na nakalikom sila ng tinatayang P3.33 billion mula sa mga nilahukan nitong iba’t-ibang “Tourism Expo”.

Muling nagpahayag ng kagalakan si Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona, Chairman ng Tourism Committee sa Kamara, sa mahusay na pamamalakad ni Frasco sa Department of Tourism (DOT) kaugnay sa malaking kinita ng ahensiya mula sa international, local travel trade events.

Nauna rito, ipinahayag ni Sec. Frasco na sa pamamagitan ng pagsisikap ng Tourism Department kabilang na ang mga attached agencies nito, nakalikom sila ng nasa tinatayang P3.33 billion na nakuha naman nila sa iba’t-ibang international expo na nilahukan ng ahensiya sa iba’t-ibang panig ng mundo.

“Through the efforts of the DOT and our attached agency, the Tourism promotions Board. We have ushered in no less than P3.33 billion in estimated sales leads generated out of the various international expos that we have participated in across all hemisphere in the world,” ayon kay Frasco.

Dahil dito, malaki ang paniniwala ni Madrona na dahil sa napakahusay na diskarte at pamamalakad ni Frasco sa DOT napakaganda ng kinabuksan o future aniya ng Philippine tourism sa hinaharap na maaaring ituring ang turismo ng bansa bilang isang “tourism powerhouse” sa Asia.

Sinabi ni Madrona na si Sec. Frasco umano ang talagang itinakda para sa Tourism Department sapagkat alam na alam nito kung paanong diskarte ang kaniyang gagawin para sa promosyon ng turismo ng bansa sa pamamagitan ng panghihikayat sa mga dayuhang turista na bumisita sa Pilipinas.