Rep. Frasco

Rep. Frasco pinangunahan pagpapatayo ng covered court para sa mga estudyante sa Poro

Mar Rodriguez Oct 20, 2023
157 Views

Rep. Frasco Rep. FrascoPINATUNAYAN ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco na malapit sa kaniyang puso ang mga mag-aaral. Matapos na muli nitong pangunahan ang pagpapatayo ng “covered court project” para sa mga estudyante ng Cagcagan Elementary School sa Munisipalidad ng Poro.

Pinasalamatan naman Mayor Gary Rama sa kaniyang talumpati si Frasco dahil sa kaniyang walang kapantay at hindi matatawarang pagmamahal hindi lamang para sa mga mag-aaral ng Poro bagkos maging sa mga residente ng nasabing munisipalidad dahil sa mga proyekto nito.

Binigyang diin ni Rama sa kaniyang mensahe na lubhang kahanga-hanga aniya ang ipinamalas ng House Deputy Speaker. Sapagkat isina-isang tabi nito ang usapin ng politika para paglingkuran nito ang mga mamamayan ng Poro partikular na ang mga residente ng 5th District ng Cebu.

Ipinaliwanag ni Rama na kahit hindi sila mag-kaalyado sa politika ni Frasco ay inilunsad parin nito ang “covered court project” na nagkakahalaga ng P5 million alang-alang sa mga mag-aaral ng Cagcagan Elementary School.

Bukod sa pagpapatayo ng covered court, nag-donate din si Frasco ng P40,000 mula sa kaniyang personal funds para ibigay naman sa mga guro ng Cagcagan Elementary School kaugnay sa selebrasyon ng “World Teacher’s Day” at karagdagang P100,000 para naman sa mga proyekto at programa ng paaralan.

Nauna rito, dahil sa problema ng malnutrition sa hanay ng mga kabataang estudyante. Tinugunan ni Frasco ang issue sa pamamagitan ng paglulunsad nito ng “food truck” na tinaguriang “meals on wheels” na magbibigay ng kaukulang benepisyo para sa mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang bayan ng Cebu City.

Ayon sa kongresista, hindi dapat maging balakid ang nararanasang kagutuman o hunger ng mga kabataang mag-aaral para hindi nila maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Kung kaya’t bilang solusyon sa nasabing problema ay napag-kaisahan nilang maglunsad ng “meals on wheels program”.