Cong. Marissa “Del Mar” P. Magsino

House panel magiging puspusan deliberasyon para sa mga balikbayang OFWs

Mar Rodriguez Oct 27, 2023
183 Views

INIHAYAG ni OFW Party List Cong. Marissa “Del Mar” P. Magsino na pusupusan ang gagawing deliberasyon ng House Committee on Overseas Workers Affairs patungkol sa mga national policies para sa reintegration ng mga balik-Pilipinas o “bali-bayang” Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ipinaliwanag ni Magsino na sinang-ayunan niya bilang miyembro ng Committee on Overseas Workers Affairs, ang naging declaration ng chairman nito na si KABAYAN Party List Cong. Ron P. Salo na magsasagawa sila ng mga public consultations at hearings na sumusuporta sa mga programa ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. para sa mga OFWs.

Sinabi din ni Magsino na nakatanggap din siya ng utos o isang “marching orders” mula kay House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez para siguruhin ang kapakanan at kagalingan o welfare ng mga balik-bayang OFWs partikular na sa apeto ng paghahanap ng trabaho at kabuhayan.

Binigyang diin ni Magsino na bilang tinaguriang mga “bagong bayani”. Nararapat lamang aniya na maibigay ng pamahalaan ang buong suporta para sa mga OFWs sapagkat kung hindi dahil sa kanila ay hindi makakabangon ang bansa mula sa mala-bangungot ng pandemiya sa pamamagitan ng kanilang remittances.

“As modern day heroes they deserve nothing less than the full support of a country that gained a lot from their remittances. They are a powerful force in our economic recovery. Lalo na yong panahon ng pandemic, their contributions kept us afloat through the economic contraction during the pandemic and now as we try to bounce back,” ayon kay Magsino.