BFAR

Huling isda sa Occidental Mindoro dumami sa ilalim ng lambaklad project

246 Views

UMABOT sa 17,915.34 kilo ng iba’t ibang uri ng isda ang nahuli ng mga miyembro ng San Agustin Lambaklad Fisherfolks Association sa San Jose Occidental Mindoro sa loob ng pitong buwan mula ng ipatupad doon ang lambaklad project.

Nadagdagan ng 18,000 kilo ang nahuli ng mga mangingisda sa loob ng pitong buwan, ayon sa Capture Fisheries Division’s (CFD) ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ang lambaklad ay isang ecofriendly fishing gear. Ito ay isang Japanese fishing technology na tinatawag doong Otoshi-ami.