thanksgiving concert

Huling yugto ng Tingog ng Pasasalamat thanksgiving concert dinagsa

218 Views

DINAGSA ng maraming tao ang huling yugto ng Tingog ng Pasasalamat thanksgiving concert na ginanap sa RTR Plaza sa Tacloban City.

Pinasalamatan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga dumalo sa event at tiniyak ang pagtataguyod sa kapakanan hindi lamang ng mga Leyteño kundi ng buong bansa.

Kinilala rin ni Speaker Romualdez ang mahalagang papel na ginagampanan ng Tingog sa pagtutulak ng mga mahahalagang panukalang batas na makatutulong sa pagpapabuti sa buhay ng mga Pilipino.

“I am happy to see this huge crowd that trooped here to enjoy this concert. I am truly thankful for your display of support. Let me assure you that we will continue to work closely with Tingog to uplift the lives not only of the people of Leyte but inclusive progress for the entire country,” sabi ni Speaker Romualdez.

Siniguro naman ni Tingog Rep. Yedda Marie K. Romualdez na ipagpapatuloy ng kanyang party-list group ang paghahatid ng serbisyo lalo na sa mga lubos na nangangailangan ng tulong.

“You can be assured that Tingog will remain true to its avowed objective of bringing about hope, change, and progress to our communities. Maraming salamat po sa patuloy na suporta,” sabi ni Rep. Yedda.

Nagpasalamat din ni Rep. Jude Acidre sa mga Leyteños sa ipinakitang suporta ng mga ito sa konserto at sa mainit na pagtanggap sa mga miyembro ng Tingog na pumupunta sa iba’t ibang lugar para sa mag-abot ng tulong.

Naghatid ng libreng concert ang Tingog party-list bilang pasasalamat sa mga sumuporta sa kanila sa nakaraang eleksyon. Nakakuha ang Tingog ng dalawang puwesto sa Kamara de Representantes.

Nag-perform sa concert ang actress-singer na si Karla Estrada, Master Rapper Andrew E, Pinoy rock icon Bamboo, at bandang Plethora.

Nagtanghal din ang mga lokal na talento gaya ng Remo Tribe, Outcast Musicians, J&J, Jaydi, at Phonics.

Sa pagitan ng mga performances ay nagsagawa ng raffle kung saan nanalo ang ilan sa mga nanood ng electronic gadgets at iba pa.

Sa Cebu City sinimulan ang libreng konserto noong Pebrero 12. Sinundan ito ng pagtatanghal sa Tagum City, Davao Del Norte noong Pebrero 17.

Ang ikatlong yugto naman ay ginanap sa Amoranto Sports Complex sa Quezon City noong Pebrero 25.