Human Trafficking Inaresto ng mga ahente ng NBI ang suspek matapos na mamataan sa loob ng kanyang opisina sa NAIA 3 sa Pasay City. Kuha ni JONJON C. REYES

Human trafficking suspek naaresto ng NBI

Jon-jon Reyes Jun 10, 2025
23 Views

INARESTO ng National Bureau of Investigation-International Airport Investigation Division (NBI-IAID) ang suspek sa paglabag sa Republic Act 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003) noong Hunyo 5.

Naaresto si alyas Hayya Diane Molina sa Ninoy Aquino Internation Airport terminal 3, ayon kay NBI director Jaime Santiago.

Ayon sa report noong Hunyo 5, itinurn-over ng head ng I-PROBES-NAIA Terminal III sa NBI-IAID si alyas Mary na patungo sanang Kuala Lumpur.

Naharang si Mary batay sa pagkakahuli sa isa pang pasahero na kinilalang si Glaizel ng mga tauhan ng I-PROBES at Bureau of Immigration (BI) noong Hunyo 4, 2025. Si Glaizel ay patungong Malaysia na may dalang mapanlinlang na BI border stamp at boarding pass.

Sinabi ni Glaizel sa kanyang affidavit na sa simula, iginiit ni Mary na dumaan siya sa immigration officer at sumailalim sa tamang pre-departure procedures.

Sa kalaunan, inihayag ni Mary na nakikipag-ugnayan siya sa mga suspek na sina Molina at isang alyas Diane Fiona.

Idinagdag din ni Mary na nakipag-ugnayan siya sa mga suspek sa pamamagitan ng kanyang pamangkin na naninirahan sa Malaysia.

Nangako si Molina kay Mary na mapapadali at tutulungan siya nito sa kanyang iligal na pag-alis sa Pilipinas. Tiniyak pa niya kay Mary na makakapagbigay siya ng escort para maiwasan ang mga pre-departure formalities ng BI, dahil doon siya nagtatrabaho at may mga koneksyon.

Dahil dito, nagpadala ng P120,000 si Mary kay Molina bilang bayad sa kanyang tulong.

Pagkatapos magbayad, ang pamangkin ni Mary ay nakipag-ugnayan kay Fiona, na nagpakilalang isang Immigration Officer na nakatalaga sa NAIA Terminal 3 at nagturo sa kanya sa pamamaraan ng pag-alis ni Mary.

Ang pag-verify na ginawa gamit ang numero ng GCASH ay nagsiwalat na ito ay nakarehistro sa “HA**A DI** M na maaaring makatwirang ipagpalagay na ang nasabing numero ay pag-aari ng suspek na si Molina.

Pinasalamatan ni Santiago ang mga ahente ng NBI-IAID sa tagumpay na operasyon.