Calendar
Sinisiyasat ng mga kapulisan ang pinangyarihan ng insidente. Kuha ni JONJON REYES
Bala na para sa kelot sablay, tumama sa iba
NAHAHARAP sa kasong attempted murder ang isang lalaki na kasalukuyang pinaghahanap ng alagad ng batas matapos barilin nito ang biktima na himalang hindi tinamaan habang nagpapagawa ng motorsiklo sa isang vulcanizing shop sa kahabaan ng Yuseco Street.corner F.Huertas, Bgy. 346, Sta Cruz, Lunes ng gabi.
Nakilala ang biktima na si alyas Ronnie Boy, tricycle driver, ng Felix Huertas St., Sta Cruz, Manila. Isa pa ang naiulat na tinamaan ng ligaw na bala na nakilalang si John Ferdinand,, 30, prts custodian, residente ng Sgt.Esguerra St., Bgy. 70 Caloocan City.
Ayon sa report ng pulisya, bandang 11:40 ng gabi ng mangyari ang pamamaril sa mga biktima sa nabanggit na lugar.
Patuloy na tinutugis ng mga kapulisan ang suspek na nakilalang si Karl, 26, ng Gene Valenzuela St., Caloocan City.
Batay sa nakalap na impormasyon at salaysay ng unang biktima nabatid na siya ay nasa vulcanizing shop at nagpapaayos ng kanyang motorsiklo nang biglang huminto at bumaba ang suspek mula sa silver na Yamaha Nmax V2 at walang kaabog abo na barilin ang biktima.
Nakatakbo at nakapagtago ang bkitma.
Matapos ang insidente, sumakay ang suspek sa kanyang motorsiklo at tumakas patungong Rizal Avenue.
Kasunod nito, nadiskubre na may isang sasakyang minamaneho ng isa pang biktima ang tinamaan ng ligaw na bala sa insidente.
Nabawi sa lugar ng insidente ang limang kalibre .45 na basyo ng bala.
Inihahand na ang kasong attempted murder at damage to property laban sa suspek.

