Hustisya nakamit ng pamilya ng ex-VM

Mar Rodriguez Sep 8, 2023
169 Views

PAGKATAPOS ng halos isang taon paghahanap ng hustisya sa wakas ay nagkaroon ng katarungan ang pagpatay kay dating Dipaculao, Aurora Vice-Mayor Narciso Amansec.
Gayunman, natamo pa rin ng pamilya ni Amansec ang hustisya sa pamamagitan ng ibinabang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na nagtatanggal kay Aurora Vice Gov. Gerardo Noveras sa puwesto kaugnay sa kasong isinampa ng pinaslang na vice-mayor laban sa nasabing bise-gobernador ng lalawigan.

ibinasura ng Comelec en banc ang inihaing motion for reconsideration ng kampo ni Noveras.

Bagama’t hindi nakaharap si Amansec sa preliminary hearing ng Comelec noong nakaraang November 2022 na maaari ng mag-resulta sa agarang pag-diskuwalipika o pagbasura ng Comelec sa inihain nitong petisyon ipinaliwanag ng Comelec na naka-base sa merits ng kaso ang kanilang desisyon. Hindi umano maaaring isa-isangtabi ang nasabing kaso ng matinding paglabag sa election law o batas sa eleksiyon ng dahil lamang sa teknikalidad.

“However, strict adherence to procedural rules should not operate to shackle the Commission’s efforts to deter and punish the egregious disregard of prohibitions under our substantive electoral laws,” ayon sa desisyon ng Comelec.