Vergeiri

Ikalawang kaso ng monkeypox sa bansa magaling na

158 Views

MAGALING na ang ikalawang kaso ng monkeypox sa bansa at nakalabas na ito ng isolation.

Ayon kay Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire nananatili sa apat ang bilang ng mga monkeypox cases sa bansa.

Sumailalim umano sa pagsusuri ang mga close contact ng apat na kaso at walang nagpositibo sa mga ito.

Ang ikalawang kaso ng monkeypox sa bansa ay 34-taong gulang at nanggaling sa lugar kung saan mayroong naitalang kaso ng monkeypox. Pinalabas na umano ito ng isolation noong Agosto 31.

Mayroon umano itong 18 close contact na pawang walang nakitang sintomas.

Ang ikatlong kaso ng monkeypox sa bansa ay 29-taong gulang na nanggaling din sa bansa kung saan may naitalang kaso ng monkeypox. Hinihintay na lamang umano na gumaling ang mga sugat ng pasyenteng ito para siya ay payagan ng lumabas.

Sa 17 close contact nito, 13 ang nagsasagawa ng self-monitoring at tatlo ang nakatapos na ng quarantine.

Ang ikaapat na kaso naman ay 25-taong gulang na walang travel history sa mga lugar na mayroong kaso ng monkeypox. Nagsisimula na umanong matuyo ang mga sugat nito.

Wala umanong nakitaan ng sintomas sa 20 close contact nito.