DOH

17,145 bagong kaso ng COVID-19 naitala noong nakaraang linggo

83 Views

Nadagdagan ng 17,145 kaso ang COVID-19 sa bansa mula Agosto 29 hanggang Setyembre 4.

Ayon sa Department of Health (DOH) ito ay mas mababa ng 10 porsyento kumpara sa 19,262 kaso na naitala mula Agosto 22 hanggang 28.

Noong nakaraang linggo ay 354 naman ang nadagdag sa bilang ng nasawi sanhi ng COVID-19 na nangyari mula Hulyo 2021 hanggang Setyembre 2022.

Samantala, umakyat naman sa 72,620,247 indibidwal ang bilang ng mga fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Sa bilang na ito 143,737 ang nabakunahan mula Agosto 29 hanggang Setyembre 4.

Nabigyan naman ng booster shot ang 351,297 kaya umakyat na ang bilang nito 18,194,645 indibidwal.