Tiangco tess Lardizabal Attachments3:11 PM (8 minutes ago) to Manuel, Tonight, me —– Forwarded Message —– From: Ed Velasco To: “[email protected] Sent: Thursday, January 9, 2025 at 01:59:38 AM EST Subject: metro —– Mayor Tiango pinuri malaking kontribuson ng mangingisda —- Ilang mangingisda pinarangalan sa Navotas Ni EDD REYES PINARANGALAN ang ilang mangingisda sa Navotas sa pagdiriwang ng ika-119 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Navotas City na tinaguriang “Fishing Capital of the Philippines.” Pinuri ni Mayor John Rey Tiangco ang malaking kontribusyon ng mga mangingisda sa pagdiriwang ng “Araw ng Mangingisda” noong Miyerkules kung kailan pinarangalan ang Top 10 Fisherfolk. “Kayo ang dahilan kung bakit ‘Fishing Capital of the Philippines’ ang Navotas. Ang araw na ito ay para sa inyo—isang pagkilala sa inyong tiyaga at sakripisyo para sa inyong pamilya at sa ating lungsod,” pahayag ni Mayor Tiangco. Nanguna sa mga tumanggap ng parangal si Renato Abad, na nagsimulang mangisda sa edad na 15 upang makatulong sa pamilya at kalaunan ay sinuportahan ang kanyang tatlong anak upang makatapos ng pag-aaral hanggang maitatag niya ang Small Commercial Fishing Consumers Cooperative of Navotas. Upang mapabilang sa mga mabibigyan ng parangal, kinakailangan maging rehistradong mangingisda ng Navotas bago i-endorso ng kanilang barangay at tagapangulo ng Fisheries and Aquatic Resources Management Council. Tatanggap ng mula P4,000 hanggang P10,000 ang mga awardees, plake ng pagkilala at karagdagang insentibong groceries at bigas at may karapatang imungkahi ang miyembro ng kanyang pamilya na mabigyan ng scholarship sa programang NavotaAs Ulirang Pamilyang Mangingisda. Tatanggap ng taunang allowance na P16,500 bilang pasahe at pagkain at P1,500 pambili ng aklat ang mga may scholarship program. “The Araw ng Mangingisda stands as a powerful reminder of the city’s rich heritage and the enduring role of its fishing community in shaping Navotas’ identity. It is a celebration not just of the past, but of the brighter future that lies ahead for Navoteños,” sabi ni Tiangco. Hawak ni Mayor John Rey Tiangco ang red flag na hudyat sa pagsisimula ng parada ng mga mangingisda bago ginanap ang Araw ng Mangingisda sa Farm C Compound.

Ilang mangingisda pinarangalan sa Navotas

Edd Reyes Jan 9, 2025
14 Views

PINARANGALAN ang ilang mangingisda sa Navotas sa pagdiriwang ng ika-119 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Navotas City na tinaguriang “Fishing Capital of the Philippines.”

Pinuri ni Mayor John Rey Tiangco ang malaking kontribusyon ng mga mangingisda sa pagdiriwang ng “Araw ng Mangingisda” noong Miyerkules kung kailan pinarangalan ang Top 10 Fisherfolk.

“Kayo ang dahilan kung bakit ‘Fishing Capital of the Philippines’ ang Navotas. Ang araw na ito ay para sa inyo—isang pagkilala sa inyong tiyaga at sakripisyo para sa inyong pamilya at sa ating lungsod,” pahayag ni Mayor Tiangco.

Nanguna sa mga tumanggap ng parangal si Renato Abad, na nagsimulang mangisda sa edad na 15 upang makatulong sa pamilya at kalaunan ay sinuportahan ang kanyang tatlong anak upang makatapos ng pag-aaral hanggang maitatag niya ang Small Commercial Fishing Consumers Cooperative of Navotas.

Upang mapabilang sa mga mabibigyan ng parangal, kinakailangan maging rehistradong mangingisda ng Navotas bago i-endorso ng kanilang barangay at tagapangulo ng Fisheries and Aquatic Resources Management Council.

Tatanggap ng mula P4,000 hanggang P10,000 ang mga awardees, plake ng pagkilala at karagdagang insentibong groceries at bigas at may karapatang imungkahi ang miyembro ng kanyang pamilya na mabigyan ng scholarship sa programang NavotaAs Ulirang Pamilyang Mangingisda.

Tatanggap ng taunang allowance na P16,500 bilang pasahe at pagkain at P1,500 pambili ng aklat ang mga may scholarship program.

“The Araw ng Mangingisda stands as a powerful reminder of the city’s rich heritage and the enduring role of its fishing community in shaping Navotas’ identity.

It is a celebration not just of the past, but of the brighter future that lies ahead for Navoteños,” sabi ni Tiangco.