Calendar
Ilang senador gusto ng bagong ruling sa 16-vote guilty verdict sa VP Sara trial
MAY ilang senador na humihiling ng panibagong ruling sa 16 na botong kailangan upang mahatulang guilty si Vice President Sara Duterte sa impeachment trial, ayon kay Sen. Juan Miguel Zubiri.
“They want to have a ruling on the threshold,” sinabi ni Zubiri nitong Huwebes.
“To lower from 16 pabababa?” tanong ng isang reporter.
“Yes,” sagot ni Zubiri.
Hindi niya pinangalanan ang mga senador o sinabi kung ilan ang gustong magpababa sa kasalukuyang threshold, o bilang ng guilty votes na kailangan para sa conviction.
Naunang itinakda ng namumuno sa impeachment court na 16 na boto ang kailangan upang mahatulan si Duterte. Itinatadhana ng Konstitusyon na kailangan ang pagsang-ayon ng two-thirds ng lahat ng miyembro ng Senado para sa conviction.
Ayon kay Zubiri, may ilang senador na may alalahanin tungkol sa threshold kaya dapat itong pagdebatehan at hingan ng ruling ang presiding officer.
“Some of them have concerns about the threshold. So the best way to do that is to debate about it and seek a ruling from the presiding officer,” aniya.
Dapat ding maging bukas sa publiko ang pagtalakay, ayon sa senador.
“Definitely, it has to be made public. That has to be discussed publicly,” ani Zubiri.
Inaasahan niyang kukuwestiyunin sa Supreme Court ang magiging desisyon kapag binago ng impeachment court ang threshold.
“As the sun will rise, someone will take it up to the Supreme Court and question the decision,” aniya.
Nilinaw ni Zubiri na wala pang desisyong baguhin ang bilang at pinagdedebatehan pa lamang ito ng mga senador.
“But that’s if we decide to move the threshold. But that’s a debate now with members of the Senate at the moment,” sinabi niya.
Nais din umano ng mga senador mula sa mayorya at minorya na tapusin ang impeachment trial bago matapos ang taon.
“The consensus of all the senators, whether minority or majority, is that we want to finish the impeachment before the year ends, bago mag-Pasko,” ani Zubiri.
Ayon sa senador, ang pagtatapos sa paglilitis ay magbibigay-daan upang higit na mapagtuunan ng Senado ang 2027 national budget, ekonomiya, inflation at iba pang panukalang batas.
Handa umano ang mga senador na magtrabaho nang mas mahaba habang sabay-sabay nilang hinaharap ang impeachment trial, budget hearings at regular na gawaing lehislatibo.
“If we have to work 24/7, gagawin namin 24/7,” ani Zubiri.
Wala pang inilalabas na bagong ruling na pumapalit sa 16-vote requirement.
