Tria

Iligal e-sabong naglipana – PAGCOR

351 Views

MATAPOS suspindihin ng pamahalaan ang operasyon ng e-sabong sa buong bansa, naglipa naman ngayon ang iligal online sabong.

Ayon kay PAGCOR E-Gaming Licensing and Regulation Vice-President Atty. Jose Tria, namonitor nga nila na naglabasan muli ang iligal e-sabong matapos suspindihin ang operasyon nito dahil sa utos na rin ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Tria, batid nila na kapag sinuspinde ang operasyon ng online sabong ay mag-i-iligal operation ang iba at sasamantalahin ang pagkakataon para kumita.

Ani Atty. Tria nalulungkot sila na napupunta lang sa mga may-ari ng mga iligal e-sabong ang milyon-milyong kita nila araw-araw pero walang napupunta sa gobyerno.

Inihayag pa ni Atty. Tria na inimpormahan na nila ang mga awtoridad hinggil sa iligal na operasyon ng e-sabong at ngayon ay naghihintay na lamang sila ng kanilang action.

“We have already informed the authorities. We are just waiting for their action,” aniya.

Inamin ng PAGCOR na daan-daang milyong ang kinikita nila sa e-sabong buwan-buwan at malaki ang naitulong nito sa pamahalaan lalo na noong kasagsagan ng pandemya.

Magugunita na noong nakalipas na buwan ay iniutos ng Pangulong ‘Digong’ sa PAGCOR na suspindihin ang e-sabong operation sa bansa dahil nakakasira na sa buhay ng maraming Pinoy.