Calendar
Iloilo ginulat ang Davao
SUMANDAL ang Iloilo United Royals sa kanilang mga homegrown hero na si Mark Nonoy and RV Berjay upang gulatin ang Davao Occidental Tigers, 85-78, sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Nagsumite si Nonoy ng18 points at 2 steals habang nagtapos si Berjayng 13 points at eight rebounds para sa United Roylas, na umakyat ng pwesto sa team standings sa 4-7 record.
Ang iba pang United Royals na nakatulong sa upset na panalo ay sina CJ Cansino (12 points, eight rebounds, five assists, two steals); at Clint Doliguez (11 points, nine rebounds, three assists at two steals).
Dahil sa kabiguan, bumaba naman ang Davao sa 8-3 sa kabila ng 14-point, 10-assist, three-rebound effort ni Jan Manzo, 12-point output ni Kenneth Ighalo at 11-point contribution ni Bamba Gamalinda.
Ang PBA legend na si Kenneth Duremdes ang MPBL commissioner.
The scores:
Iloilo (85) — Nonoy 18, Berjay 13, Casino 12, Doliguez 11, Catapusan 9, Imperial 8, Credo 5, Capacio 4, Gomez 4, Javelosa 1, Kapunan 0, De La Rosa 0, Madrigal 0, Diaz 0, Rangel 0.
Davao (78) – Manzo 14, Ighalo 12, Gamalinda 11, Lojera 9, Tumalip 7, Bayla 7, Arana 7, Lalata 6, Olayon 3, Martinez 2, Mancao 0, Sarangay 0, Enguio 0, Andrada 0.
Quarterscores: 22-20, 39-39, 66-63, 85-78