Impeachment manager Swede I-assign ng Senado

27 Views

SINABI ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na maaaring magtalaga ang Senado ng impeachment manager upang makatulong sa paggabay sa proceedings kung magko-convene ang Senado bilang impeachment court para kay Vice President Sara Duterte.

Kinokonsidera si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan para sa posisyon dahil sa kanyang pagiging abogado.

“Mas mainam ang lawyer na sanay sa trial para more or less ma-signal si Senate President na an objection would be overruled or sustained,” dagdag niya.

Sinabi ni Lacson na iminungkahi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang ideya at “amenable” dito si Senate President Vicente Sotto III.

Ang impeachment manager ay tutulong sa paggabay sa proceedings, katulad ng papel ng majority leader sa pamamahala ng mga usapin sa Senate floor.

Ayon kay Lacson, maaaring tumuloy ang posibleng impeachment trial nang hindi itinitigil ang committee hearings at regular sessions ng Senado.

Itinuturo ng panukalang ito kung paano maaaring ayusin ng Senado ang internal procedures nito kung kakailanganin nitong umupo bilang impeachment court.

Ipinakita rin ng pahayag ni Lacson na pinag-uusapan ng mga senador kung paano mapamamahalaan ang posibleng trial habang nagpapatuloy ang legislative calendar ng Senado.

Hindi pa nagpupulong ang Senado bilang impeachment court para sa kaso.