Sen. Tulfo: New facility sa Iwahig makakabawas sa siksikan sa kulungan

25 Views

MAKAKATULONG ang bagong 10-hectare facility sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan upang mabawasan ang siksikan sa mga kulungan at mapabuti ang kondisyon ng mga preso para sa rehabilitation, ayon kay Sen. Erwin Tulfo.

Sa groundbreaking para sa bagong Iwahig facility, sinabi ni Tulfo na matagal ng pinapabigat ng overcrowding ang mga correctional facilities, naapektuhan ang living conditions at nalilimitahan ang kakayahan ng gobyerno na magbigay ng makabuluhang rehabilitation sa mga bilanggo.

“For too long, congestion has strained our facilities, compromised living conditions, and limited our ability to deliver meaningful rehabilitation,” ayon kay Tulfo.

Sinabi niya na ang pasilidad ay hindi lamang tungkol sa pagdaragdag ng espasyo, kundi tungkol din sa pagpapanumbalik ng kaayusan at pagtulong sa correctional system na gumana nang may dignidad at efficiency.

Binanggit din ni Tulfo ang mga pagsisikap ng Bureau of Corrections officials na mabawasan ang overcrowding sa pamamagitan ng transfers, improved case coordination at iba pang reforms.

Hindi dapat tingnan ang correctional system ng gobyerno bilang parusa lamang, kundi bilang lugar kung saan ang mga nagkamali ay nabibigyan ng pagkakataong magbago, sabi ng senador.

“Hindi po natin pinaparusahan, bagkus binibigyan po natin ng pagkakataon ang mga kababayan natin na nagkakamali, na iwasto po ang pagkakamali,” ani Tulfo.

Ayon sa senador, mas mahirap ang rehabilitation sa isang siksikang pasilidad dahil hindi maayos na nakakagalaw, nakakahinga o nabibigyan ng kondisyong angkop sa pagbabago ang persons deprived of liberty.

“Paano ka po magbabago kung stressed out ka, kung punong-puno? Sa paligid mo ay napakaraming tao,” tanning ni Tulfo.

Sinabi rin ni Tulfo na tutulong siya upang mapondohan sa 2027 ang proposed supermax prison sa Sablayan.

Idinagdag niya na nakausap niya si Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Mel Robles kaugnay ng request para sa dalawang ambulansya para sa Iwahig.

Sinabi rin niyang inaasahang darating sa susunod na buwan ang dalawang patrol vehicles.