Calendar
SP Sotto nanawagan ng pagkakaisa sa pagbabalik sesyon ng Senado
NAGBALIK ang Senado sa legislative work na may mga panukala sa crisis assistance, patient protection at political reform sa agenda kaya nanawagan si Senate President Vicente Sotto III ng pagkakaisa sa mga kapwa senador.
“We can feel this in the rising prices of goods and fuel. I hope that the Senate can help ease its impact on each and every one of us,” sabi ni Sotto.
Kabilang sa mga panukalang nakalista sa Senate agenda ang Senate Bill No. 1966 na naglalayong gawing institusyonal ang Assistance to Individuals in Crisis Situations program ng Department of Social Welfare and Development na nagbibigay suporta sa individuals at families na may agarang pangangailangan, kabilang ang medical, burial, transportation, food at education assistance.
Layunin ng panukala na gawing mas permanente at rules-based ang crisis assistance program sa halip na umasa lamang sa taunang implementation arrangements.
Nakalista rin para sa interpellation ang Senate Bill No. 1511 na naglalayong palakasin ang proteksyon ng patients laban sa hospital detention dahil sa hindi nabayarang medical bills.
Tinutugunan ng panukala ang mga kaso kung saan naaantala o napipigilang makalabas ng ospital ang patients dahil sa hindi nababayarang bills.
Si Sen. Pia Cayetano ang nakalistang magtatanong sa panukala na nananatiling nasa debate sa Senado.
Kasama rin sa Senate agenda ang Senate Bill No. 1901 o ang proposed anti-political dynasty measure na sponsored ni Senate Deputy Majority Leader Risa Hontiveros.
Nananatili ang panukala sa interpellation, kung saan nakalista sina Sens. Paolo Benigno “Bam” Aquino IV, Jose “Jinggoy” Estrada, Francis “Chiz” Escudero, Joel Villanueva at Alan Peter Cayetano para magtanong.
Layunin ng anti-dynasty proposal na tugunan ang pangamba sa konsentrasyon ng political power sa ilang pamilya, isang reform issue na madalas lumitaw sa mga debate tungkol sa governance at elections.

