Calendar
In-person classes pwedeng suspendihin sa sobrang init
IPINAALALA ng Department of Education (DepEd) sa mga prinsipal at school heads na sila ay mayroong kapangyarihan na magsuspendi ng in-person classes upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga estudyante laban sa nararanasang init sa bansa.
Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa maaaring gamitin ang alternative delivery modes (ADM) upang hindi magkasakit ang mga estudyante dahil sa init.
Kamakailan ay sinuspendi ni Cabuyao Mayor Dennis Hain ng Laguna ang pasok sa Gulod National High School matapos na ma-ospital ang 83 mag-aaral dahil sa labis na init na naranasan ng mga ito sa isinagawang fire at earthquake drill.
Nagbabala ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa publiko na magpapatuloy ang mainit na panahon sa bansa.