PCSO

Mananaya sa Zambo nanalo ng P21M sa SuperLotto

114 Views

ISANG mananaya sa Zamboanga City ang nanalo ng P21.2 milyong jackpot prize ng SuperLotto 6/49 sa bola noong Huwebes, Abril 27.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), isa lang ang nakakuha ng winning number combination na 48-10-12-28-34-05.

Nanalo ng tig-P50,000 ang 18 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas.

Tig-P1,200 ang tinamaan ng 1,091 mananaya na naka-apat na numero at tig-P50 naman ang 19,369 mananaya na nakatatlong numero.

Ang mga nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanilang premyo. Ang mga premyo na mahigit P10,000 ang halaga ay pinapatawan ng 20 porsyentong buwis.