Fake Source: File FB post

Indian nat’l agaw-buhay, grinipuhan dahil sa Marites

33 Views

ARESTADO ang isa sa dalawang Indian nationals na itinuturong sumaksak sa kanilang kababayan noong Biyernes dahil umano sa pagkakalat ng tsismis tungkol sa kanila.

Agaw-buhay sa Quezon City Memorial Medical Center ang biktimang si Harpreet Singh, 36, ng Block 4 Amethys St, Phase 3, Octagon Village, Brgy. Dela Paz, Pasig City.

Nakilala ang naaresto na si Gurbhej Singh, 46, ng 9B Woodside St., Brgy. St. Ignatius Village, Quezon City at pinaghahanap pa ang kapatid niyang si Gurjinder Singh, 49, na nagsilbing back up ng una.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), dakong alas-8:30 ng gabi sa CP Garcia Block 5, Daan Tubo, Brgy. UP Campus, Quezon City.

Binabaybay ng biktima ang CP Garcia Ave. sakay ng motorsiklo nang biglang harangin ni Gurbhej na sakay ng Yamaha XRM motorcycle at nakasunod si Gurjinder.

Kinompronta ng Gurbhej si Harpreet dahil sa umano’y pagkakalat ng tsismis tungkol sa kanya.

Hindi nagtagal, binaril ni Gurbhej si Harpreet sa hita at saka tumakas.

Naaresto si Gurbhej sa follow up operation ng mga pulis.