Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
PSA

Inflation rate noong Mayo naitala sa 5.4%

220 Views

TUMAAS sa 5.4 porsyento ang inflation rate noong Mayo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Mas mataas ito sa 4.9 porsyento na naitala noong Abril at ang pinakamataas na naitala mula noong Disyembre 2018. Noong Mayo 2021, ang inflation rate ay 4.1 porsyento.

Ang inflation rate ay ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

Sa National Capital Region (NCR) ay naitala ang 4.7 porsyentong inflation rate noong nakaraang buwan, mas mataas sa 4.4 porsyento na naitala noong Abril. Noong Mayo 2021, ang inflation rate sa rehiyon ay 2.6 porsyento.

Mas mataas naman ang inflation rate sa labas ng NCR na naitala sa 5.5 porsyento mas mataas sa 5.1 porsyento na naitala noong Abril. Ang inflation rate sa labas ng NCR noong Mayo 2021 ay 4.5 porsyento.