Ridon

Infrawatch PH suportado hakbang ng Kamara sa serye ng oil price hike

144 Views

SUPORTADO ng Infrawatch PH ang inisyatiba ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na tugunan ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo na nagpapahirap sa maraming Pilipino.

Sinabi ni Speaker Romualdez na plano ng Kamara na ipatawag ang mga opisyal ng mga kompanya ng langis upang hanapan ng solusyon o kompromiso ang serye ng pagtaas ng presyo upang matulungan ang mga motorista.

“Speaker Romualdez’s efforts are a laudable move toward immediate consumer relief,” ani Infrawatch PH Convenor Terry Ridon. “This move shows our legislators’ commitment towards providing immediate relief to the growing economic burden wrought by the public.”

Muling nagpatupad ng pagtataas sa presyo ng diesel, gasolina, at kerosene ang mga kompanya ng langis noong Martes.

“The ongoing price surges are not just numerical data – these represent a mounting financial hardship for Filipino households,” sabi pa ni Ridon.

Suportado rin ng Infrawatch ang nais ni Speaker Romualdez na suriin ang Oil Deregulation Law upang malaman ang mga pagbabago na dapat gawin upang mapababa ang presyo ng produktong petrolyo.

Mayroon ng mga panukala na inihain sa Kamara na naglalayong amyendahan ang Oil Deregulation law, na naisabatas 25 taon na ang nakakaraan at hiniling ni Ridon na bigyang prayoridad ang pagtalakay sa mga ito.