Anna

Internet capacity ng gobyerno bibilis ng 50 beses sa 2023

326 Views

MAGAGAMIT na sa susunod na taon ang Luzon Bypass Infrastructure project na magpapabilis sa internet capacity ng gobyerno ng 50 beses.

Ayon kay Department of Information and Communications Technology Assistant Secretary Anna Mae Lamentillo ang proyekto ay bahagi ng National Broadband Program.

“We expect the Luzon Bypass Infrastructure will be online by next year,” sabi ni Lamentillo sa Laging Handa briefing.

Noong 2017, nakipag-partner ang Pilipinas sa Facebook, ngayon ay Meta na, para sa pagtatayo ng cable landing system upang mapabilis ang internet speed sa bansa ng 2 terabits per second (Tbps).

Ikokonekta ng landing system ang Pilipinas sa iba pang bahagi ng Asya at Estados Unidos.

Sa ilalim ng kasunduan, ang Meta ang magtatayo at mag-o-operate ng cable system sa Baler, Aurora at Poro Point sa San Fernando, La Union.

Ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA) naman ang magtatayo ng Luzon Bypass Infrastructure.