WBC Into sa WBC Boxing Grand Prix.

Into nagpakitang gilas sa WBC Boxing Grand Prix

Robert Andaya Apr 21, 2025
12 Views

NAGPAKITANG gilas ang walang talong Filipino contender na si Jerald Into ng Sanman at Quibors Boxing upang payukuin ang American champion na si Ahmad Jones sa pamamagitan ng unanimous decision sa kanilang enkuwentro sa WBC Grand Prix tournament sa Riyadh, Saudi Arabia kamakailan.

Binigyan si Into ng iskor na 59-55, 58-56 at 58-56 ng tatlong judges upang masungkit ang panalo at umabante sa second round.

Nagpasalamat din si Into sa kanyang mga taga-suporta para sa natamong panalo at nangakong gagawin ang lahat ng kanyang makakaya sa kanyang susunod na laban.

“I trained hard for this victory. I want to thank my family, my team, and everyone who supports me, especially the fans in the Philippines. I will do better in the next round,” pahayag ni Into.