Calendar
Intramuros Forest Park concept design na kay PBBM na
ISINUMITE noong Lunes ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang concept design at halagang kailangan sa panukalang gawing Intramuros Forest Park ang Intramuros Golf Course.
Naisumite ang konsepto sa pamamagitan ni Executive Secretary Ralph Recto sa Malacañang.
Inilarawan ng alkalde ang proyekto bilang President’s Legacy Projects na layong itaas ang kalidad ng buhay ng mga residente ng Maynila.
Suportado ang disenyo ng Asian Development Bank na nagpanukala ng P2.3 bilyong pondo para sa development ng lugar, park facilities, landscaping at iba pang mga gagawing imprastraktura.
Kabilang dito ang Riverfront Promenade, Picnic at Waterfront Area na dinisenyo upang maging maganda ang gilid ng Pasig River na may mga pasilidad para sa kaginhawahan ng publiko.

