Calendar

Metro
IPhone na 24K binili ng pekeng anda, bumili nasilo
Melnie Ragasa Jimena
Mar 31, 2025
83
Views
DINAMPOT ng pulisya ang 18-anyos na binatilyo matapos magbayad ng pekeng P24,000 bills sa biniling iPhone online sa Quezon City noong Linggo.
Batay sa report ni P/Lt. Col. Rey Tad-o, hepe ng Holy Spirit Police Station 14, bandang alas-10:00 ng gabi nang arestuhin ang binatilyo sa entrapment sa Manggahan St., Brgy. Gulod.
Una dito, nagpost ang biktima ng iPhone 14 Pro na ibinebenta sa Facebook Marketplace.
Nakipag-ugnayan ang suspek sa biktima na bibilhin ang cellphone at nakipagkita ito sa kanya upang kunin ang P24,000 cash na bayad nito.
Kinalaunan, natuklasan ng biktima na peke ang pera na ibinayad sa kaniya kaya agad itong nagsumbong sa pulisya.
Agad namang nagsagawa ng entrapment operation ang mga operatiba ng PS 14 at naaresto ang suspek.
Pasahero may pekeng baril sa NAIA, na-hold
May 13, 2025
Kelot todas sa kadyot
May 13, 2025
Panalo sa halalan sa Pasay, Munti, LP naiproklama na
May 13, 2025