Barbiejak Barbie Forteza at Jak Roberto

Jak pinapadalhan na si Barbie ng wedding videos

Aster A Amoyo Jul 7, 2024
127 Views

KUWENTO ni Barbie Forteza na napag-uusapan na nila ng kanyang nobyong si Jak Roberto ang kasal.

Masayang nag-share si Barbie ang ginawang pagpapadala sa kanya ni Jak ng video tungkol sa mga kasal.

“Kinikilig ako kapag nagse-send siya sa akin ng wedding videos sa Instagram. Sabi ko, ‘Okay.’ So pumapasok sa isip niya. Tapos sine-send niya sa akin, he wants to get involved in that area,” ayon kay Barbie.

“Kasi ‘di ba ang boys ayaw nilang nagpa-plan ng wedding,” pagpapatuloy niya.

Inilarawan ni Barbie na “unbreakable” na ang pagmamahal na mayroon sila ni Jak dahil na rin sa maturity ng kanilang relasyon.

“The kind of love that I want and that I think I have na, is something that’s unbreakable, I feel like,” sabi ng aktres.

Naging magkasintahan sina Barbie at Jak noong Mayo 19, 2017

Pagpasok ng bagong karakter ni Pinky nag-trending

Pinky
Pinky Amador

TRENDING ang pagpasok ng bagong karakter na si Morgana Go sa “Abot-Kamay na Pangarap” na ginagampanan ni Pinky Amador, identical sister umano ni Moira Tanyag, na ginampanan din ng aktres.

Napatanong ang ilang netizens nang mapansin ang pagkakatulad ni Morgana, sa balita tungkol sa isang kontrobersiyal na alkalde na “lumaki sa farm.”

Si Margona ay lumalabas na anak din ni Chantal Dubois, na ginagampanan ni Pilar Pilapil. Sa episode ng teleserye nitong Huwebes, pinagkuwento si Morgana tungkol sa kaniyang childhood.

“Ang naalala ko lang, lumaki kasi ako sa farm,” sabi ni Morgana.

Natawa ang netizens sa X (dating Twitter), at nagbiro ang ilan na updated na rin sa happenings ang mga karakter dahil sa haba ng serye.

“Pinanganak po siya sa farm, medyo mahirap lang po sila, tsaka lumaki siya kasama ng papa niya tsaka si Teacher Juvilyn,” kuwento ni Pinky sa bago niyang karakter.

Ayon kay Pinky, nang mawala siya ng ilang linggo sa series upang bumida sa isang stage play sa Singapore, tinatalakay ng creative team kung paano magiging pasabog ang kaniyang comeback.

“Tamang tama sumabog ‘yung hearings. Ang sabi ‘Teka muna, what if gawin nating Chinese inspired tapos may mga ganu’ng kaganapan for the relevance,’” sabi ni Pinky.

Ngunit pag-amin niya, mas challenging ang kaniyang bagong karakter dahil mayroon siyang prosthetics at kailangan niyang matutong mag-Chinese.

Sa kabutihang palad, nagsilbing Chinese tutor niya si “Doc RJ” Richard Yap.

Kailangan din ni Pinky na mag-aral ng wushu.

Maliban kay Morgana, dalawang bagong karakter pa ang nakilala, ang half-sister niyang si Nushi G, ginagampanan ni Gladys Reyes, at hitman niya na ginagampanan ni Mark Herras.

“Maraming itinatagong sikreto si Morgana Go. Marami silang pinaplano kasama ng kanyang mother na si Chantal Dubois at ang kaniyang half-sister na si Nushi G,” sabi ni Pinky.

GMA sparkle Center nagbabala sa publiko

BINIGYANG-babala ng Sparkle GMA Artist Center ang publiko tungkol sa mga kumakalat na peke umanong e-mail invitation para sa GMA Gala 2024.

“We have been informed of fraudulent email replies circulating that falsely claim to offer RSVPs to the GMA Gala event. These email correspondences are not legitimate,” saad ng Sparkle GMA Artist Center sa kanilang pahayag.

Please do not respond or provide any personal information,” paalala pa ng talent management arm ng Kapuso Network.

Ayon sa Sparkle, direktang magtanong o makipag-ugnayan lamang sa kanilang mga official channel, maging mapagmatiyag at protektahan ng publiko ang kanilang impormasyon.

Sa Hulyo 20 na gaganapin ang ikatlong GMA Gala, na bukod sa isang “night of glamour,” magsisilbi rin itong fundraising event para sa GMA Kapuso Foundation.

Iris kay Xian: Congratulations to us

Xian
Iris Lee at Xian Lim

NAGBIGAY ng kanyang papuri si Iris Lee sa nobyong si Xian Lim, ngayong napapanood na sa mga sinehan ang horror film nilang “Kuman Thong.”

Sa comments section sa isa sa mga post ni Xian, binati ni Iris ang cast at buong team ng pelikula, bago binati si Xian sa tagumpay nito.

“Congratulations again to us, the actors, and the whole team. Nailuwal nating lahat ang baby mo because of your infectious creative energy and childlike enthusiasm,” saad ni Iris.

“Ang saya lang gumawa ng pelikula with you, despite any struggle. You are a true leader and artist. Keep on shining Direk @xianlimm! To more magic together,” pagpapatuloy niya.

Bago nito, nagbigay din ng papuri si Xian kay Iris, na nagsilbing creative consultant ng pelikula.

“To this talented, overly passionate human being… Hardworking is an understatement when it comes to the effort you put in all your projects, may it be with me or all the great directors you have worked with,” mensahe ni Xian sa nobya.

Si Xian ang nagsilbing director ng Kuman Thong. Pinagbibidahan nina Cindy Miranda, Althea Ruedas, Max Nattapol, Jariya Therakaosal, at Emman Esquivel, ang “Kuman Thong” ay tungkol sa inang may dalawang anak na nawalan ng isa dahil sa trahedya.

Hihingi siya ng tulong sa isang estatuwa ng Kuman Thong upang muling buhayin ang kaniyang anak mula sa kamatayan.